80 percent voter turnout sa May 13 polls, inaasahan ng Comelec

Kumpiyansa ang Commission On Elections (Comelec) na mas mataas ang magiging voter turnout para sa May 13 midterm elections.

 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, posibleng umabot sa aabot sa 80 percent ang voter turnout.

 

Base na rin ito sa inabot na 81 percent voter turnout noong 2016 presidential elections.


 

Makikita rin aniya na interesado ang maraming pilipino sa darating na halalan base sa mga pahayag ng mga ito sa social media.

Facebook Comments