Kalibo, Aklan- Nadischarge na mula sa Aklan Provincial Hospital ngayong araw si Case no. 1, ang unang nagpositibo sa Covid-19 sa Aklan na taga bayan ng Libacao .
Ang 81 anyos na lalaki ay nagnegatibo na sa virus base sa isinagawang repeat testing sa Western Visayas Medical Center kung saan ipinalabas ang resulta noong April 20, 2020.
Kaninang umaga ay sinundo na ito ng MDRRMO Libacao at sa bahay na lamang ito magpapatuloy ng strict home quarantine, at pagkatapos ng 14 araw ay muli itong itest sa WVMC.
Sa ngayon ay patuloy itong imomonitor ng BHERT para sa kanyang kondisyon.
Kaugnay nito, sa isinagawang press briefing, sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer 1, kasama rin nitong nagnegatibo si Case no. 2 na isang 37 anyos na lalaking doktor mula sa bayan ng Malay at kasalukuyang naka quarantine sa Aklan Training Center.
Habang positibo pa rin si Case no. 3, ang 68 anyos na lalaki mula sa Kalibo at nasa maayos na kalagayan habang naka confine sa Provincial Hospital.
Si case no. 4 na nagmula sa Altavas ay kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa WVMC sa probinsiya ng Iloilo.
Sa ngayon hinihintay pa ng PHO- Aklan ang resulta ng test nina case no. 5 at 6.
Kabuuang 62 na swab samples mula sa suspected at probable case ng Covid 19 sa Aklan.
Patuloy ang monitoring ng probinsiya sa status ng Covid 19 sa Aklan habang wala namang naitatalang panibagong kaso nito sa loob ng dalawang linggo.
#tatakRMN #DYKRkalibo
81 ANYOS NA COVID-19 SURVIVOR NA TAGA LIBACAO, NAKALABAS NA NG PAGAMUTAN.
Facebook Comments