iFM Laoag – Umabot sa walumpu’t anim (86) na mga health workers ng Mariano Marcos Memorial Hospital at Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte ang nahawahan ng coronavirus disease (Covid 19).
Kinopirma ito mismo ng administrasyon ng ospital at ngayon ay nakahiwalay na ang mga ito sa mga pasyente.
Ang Mariano Marcos Hospital ay isang pangunahing pasilidad na naging referral ng Covid-19 sa Ilocos Norte. Sa kasalukuyan, mayroong 121 na pasyente ng Covid-19 ang nasa pangangalaga ngayon ng ospital.
Samantala, inaprubahan ng Ilocos Regional Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Task Force “Salun-at” (Health) na pansamantalang suspindihin ang pagpasok ng Returning Overseas Filipino and Locally Straded Individuals (LSI) simula 3 hanggang 15 Agosto.
Sinabi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte na ang hakbang ay makakatulong sa pamamahala ng sitwasyon ng Covid-19 sa lalawigan.
Ang kabisera ng lalawigan ng Laoag kasama ang mga lungsod ng Batac at Pagudpud ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) habang ang mga munisipalidad ng Bacarra, Badoc, Pinili at Burgos ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ang natitirang lalawigan ay nasa ilalim ng localized ECQ hanggang Agosto 15.
As of 11 pm Agust 4 nakapagtala na ang lalawigan ng 235 na kaso at dalawang pagkamatay na nauugnay sa Covid sa loob lamang ng isang araw. Ang lalawigan ay mayroong 3,777 aktibong kaso mula 9,182 na kaso. Mayroong 5,273 recoveries o gumaling, habang mayroon nang 132 na namatay sa Covid-19. [Bernard Ver, RMN News]