Kalibo, Aklan — Arestado ang 9 katao sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng mga kapulisan kahapon dahil sa illegal na sabong sa barangay Andagao, Kalibo, Aklan. Ang mga naaresto ay nakilala na sina Rodrigo Colas, 60-anyos; Jay-Ar Colas, 34-anyos; Alex Mendoza, 50-anyos; Delmar Marin, 21-anyos; Jonathan Zolina, 29-anyos, Glen Pison lahat residente ng Oyo Torong, Poblacion, Kalibo, Niño Pinos, 37-anyos; Romeo Dela Cruz, 53-anyos; mga residente ng Brgy. Andagao at Jowen Adano 27-anyos ng Poblacion, Malinao habang ang iba ay nakatakas. Naaresto ang mga ito ng pinagsanib na pwersa ng Prov’l Special Operation Task Group (PSOTG) at Kalibo PNP matapos makatanggap sila ng report tungkol sa illegal na sabong sa lugar at na-verify ito na positibo kaya ikinasa ang operasyon. Na-recover ng mga kapulisan ang Php 6, 480.00 na pera, 5 na patay na pansabaong na manok, 5 na buhay na pansabong na manok, isang kilohan at isang set ng tari. Ang mga nahuli na ito ay nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw dahil sa paglabag sa PD 449 ukon Illegal Cockfighting.
9 arestado sa illegal na sabong sa Kalibo
Facebook Comments