94 mga lugar sa Metro Manila, nasa ilalim pa rin ng granular lockdown

Umabot na sa 94 ang mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, 44 sa mga lugar na ito ay nagmula sa lungsod ng Maynila.

Nasa 23 ang mula sa Marikina, isa sa Navotas, siyam sa Pasay, at 17 sa Lungsod ng Quezon.


Ang mga siyudad sa Metro Manila na hindi nabanggit ay wala nang ipinatutupad na lockdown sa kanilang lugar.

Batay sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa higit 32,000 na family food packs na ang ipinamahagi simula September 25 para sa mga pamilyang naapektuhan ng granular lockdown.

Facebook Comments