95TH INFANTRY BATTALION, PATULOY ANG PAG-AGAPAY SA MGA FORMER REBELS

Nagpapatuloy ang pag-agapay ng ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion (95IB) sa mga Former Rebels (FRs) na piniling manatili sa panig ng kasundaluhan sa Brgy Zone 1, San Mariano, Isabela.

Ang Happy Ville ng 1st Cavalry Company (Separate) Armor Division na pinamumunuan ni Capt Katrina Bernardino ay mula sa 95IB sa pamumuno ni LtCol Carlos Sangdaan Jr (INF) GSC PA, na siyang naging panuluyan ng mga sumukong miyembro ng komunistang teroristang grupo na piniling magbalik-loob sa Pamahalaan.

Kaugnay nito, namahagi ng grocery packs sa mga FRs at kanilang pamilya na nakatira sa Happy Ville nitong Linggo, ika-2 ng Oktubre taong kasalukuyan. Lubos ang pasasalamat ng mga FRs sa tulong na patuloy na ipinagkakaloob sakanila ng kasundaluhan na nagagamit nila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Facebook Comments