Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) Field Office I ng Technical and Advisory Visit sa iba’t ibang micro establishment sa bayan ng Manaoag bilang bahagi ng pagpapalakas sa pagsunod ng mga maliliit na negosyo sa labor standards at occupational safety regulations.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga micro entrepreneur hinggil sa tamang pagpapatupad ng minimum wage, overtime pay, holiday pay, at iba pang benepisyong itinakda sa ilalim ng batas paggawa.
Tinalakay rin sa nasabing pagbisita ang occupational safety and health standards, productivity improvement, at iba pang programang makatutulong sa pagpapanatili ng maayos at ligtas na operasyon ng negosyo.
Ayon sa DOLE, mahalaga ang patuloy na pagbibigay ng technical at advisory support upang matiyak ang proteksyon sa kapakanan ng mga manggagawa kasabay ng pagpapaunlad ng maliliit na negosyo sa komunidad.
Facebook Comments







