Dumulog na sa Korte Suprema ang ABS-CBN Corporation para pigilan ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission o NTC na nagpapatigil sa operasyon ng network.
Nagsumite ang ABS-CBN Corporation ng Petition for Certiorari and Prohibition laban sa NTC.
Inihirit ng network sa Supreme Court na magpalabas itong Temporary Restraining Order o TRO laban sa implementasyon ng cease and desist order ng NTC.
Layon nito na hilingin sa Supreme Court na ipawalang bisa ang kautusan ng NTC.
Iginiit ng ABS-CBN na ang cease and desist order ng NTC ay paglabag sa karapatan ng publiko para sa tamang impormasyon at pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag.
Facebook Comments