
Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa pag-aresto at pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, walang nakitang paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ang Korte Suprema kaugnay ng pag-aresto kay Duterte.
Ipinatupad lamang aniya ng pamahalaan ang Republic Act 9851 at walang nangyaring pang-aabuso sa kapangyarihan.
Dagdag pa ni Castro, sinunod din ng administrasyon ang naunang desisyon ng Korte Suprema na kumikilala sa hurisdiksiyon ng ICC sa mga krimeng naganap bago tuluyang umalis ang Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019.
Facebook Comments










