ADAR ng NCR, bumaba pa sa 5.5 – OCTA

Bumaba pa sa 5.5 mula 6.5 ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala lamang ng 486 na bagong COVID-19 infections ang NCR nitong Biyernes.

Aniya, bumaba rin ang reproduction number o bilis ng hawaan sa Metro Manila sa 0.22.


Nauna nang sinabi ni David na ang NCR ay nasa low risk na sa COVID-19.

Pero iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatili ang NCR sa moderate risk na may ADAR na 12.22 at two-week negative growth rate.

Facebook Comments