‘ADOPT-A-MOUNTAIN’ NG DOJ PAROLE AND PROBATION, NAGPAPATULOY SA ALAMINOS CITY

25
Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng DOJ Parole and Probation Administration – Alaminos City Parole and Probation Office (ACPPO) ang kanilang monthly “Community Work Service” sa Adopt-A-Mountain Project sa Brgy. San Vicente sa lungsod ng Alaminos.
Bahagi pa rin umano ito ng tuloy-tuloy na commitment at suporta ng ACPPO sa sustainable environmental conservation, protection and rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Alaminos.
Nagkaroon din ng technical briefing at gabay sa grupo na pinangunahan ni Agriculturist II Gester Tolentino sa isinagawang cleaning and maintenance activities sa bagong tree park ng lungsod.

Inaasahan namang magpapatuloy ito sa susunod na buwan para mapaghusay ang kanilang gawain. | ifmnews
Facebook Comments