Aeta, Patay sa Pananaga; Ulo halos maihiwalay sa Katawan

*Cauayan City, Isabela*- May sinusundan na umanong person of interest ang mga awtoridad sa pagpatay sa isang lalaki na Aeta matapos tagain at mahiwalay ang ulo sa kanyang katawan ng matagpuan ang katawan nito sa isang palayan sa Lasam, Cagayan.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Andulin”, tibong Lal-lo, Cagayan habang nagtatrabaho sa Sittio Attog, Brgy. Malinta, Lasam.

Ayon kay PCapt.Antonio Pallattao, hepe ng Lasam Police Station, ipinagbigay alam ng mga nakakita sa biktima kung sino ang huling nakasama nito bago matagpuan ang kanyang bangkay.


Lumalabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na nag iinuman ang biktima at dalawa pang kasama nito bago ang nangyaring insidente.

Hinala naman ng mga awtoridad na posibleng itinapon lang sa lugar ang biktima kung saan siya natagpuan dahil walang bakas ng dugo sa lugar.

Matatandaang nitong Martes, March 17 ng umalis ang biktima sa kanyang tinutuluyang kubo hanggang hindi na ito nakabalik at natagpuan na may matinding sugat sa noo at batok.

Facebook Comments