Mahigpit ang ugnayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para mabantayan ang aktibidad ng Palestinian Terror Group na Hamas sa Pilipinas.
Ito’y matapos ibunyag ng PNP kamakailan na may isang Fares Al Shikli alias Bashir na hinihimok umano ng mga Pinoy na may koneksyon sa mga lokal na terrorista para magsagawa ng pag-atake laban sa Jewish Community sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, hindi naman aniya sila tumitigil sa pagbabantay at sa katunayan aniya ay wala naman silang nakikitang anumang banta sa seguridad sa ngayon.
Nakatuon aniya ang kanilang atensyon ngayon sa papalapit na halalan dahil kailangan aniyang matapos na ang pamamayagpag ng mga tauhan ng CPP-NPA-NDF batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ayon kay AFP Chief of Staff, may mga tauhan na silang ide-deploy sa Bangsamoro Autonomous Region maging sa SOCCSKSARGEN na kilalang ‘election hotspot’.