Friday, March 6, 2026

AFP, kinokonsiderang case closed na ang isyu patungkol sa nadiskubreng espionage network sa bansa

Kinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na case closed na ang isyu kaugnay ng nadiskubreng espionage network sa bansa.

Nabatid na may tatlong indibidwal na nasasangkot sa nasabing isyu. Dalawa sa kanila ay nagtatrabaho sa loob ng Department of National Defense (DND) at Philippine Navy, habang ang isa naman ay sinasabing malapit sa isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Roy Vincent Trinidad, spokesperson for the West Philippine Sea ng AFP, under control na ang sitwasyon at nakikipag-coordinate na rin ang tatlong indibidwal na sangkot sa usapin ng espionage.

Dagdag pa ni Trinidad, layunin ng pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa isyu ay upang malaman ng taumbayan, gayundin ng mga adversaries, kung ano ang ginagawa ng kanilang mga tauhan bilang bahagi ng transparency initiatives.

Hindi pa muna ibinabahagi ng AFP ang iba pang detalye dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Samantala, tiniyak ng AFP na epektibo at gumagana ang kanilang insider threat program sa loob ng kanilang hanay.

Facebook Comments