AFP, kinumpirma na tama ang matrix na inilabas ni P-Duterte

Manila, Philippines – Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tama ang isiniwalat na bagong matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año – kasama nga talaga ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa mga financiers ng mga teroristang lumusob sa Marawi City.

Dagdag pa ni Año, sangkot sa ilegal na droga ang Maute brothers at operational aniya ang estilo ng mga ito.


Samantala, sinabi rin ng AFP Chief na iba ang report ng PNP tungkol sa pag-alam nila sa kung paano nakakakuha ng malaking halaga ng pera ang maute group para sa kanilang rebelyon.

Facebook Comments