
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na ang mga EDCA sites ay nananatiling mga pasilidad ng Pilipinas at hindi base militar ng Estados Unidos.
Sa inilabas na pahayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang mga nasabing EDCA sites ay mga installation ng AFP at nananatiling sa soberanya ng Pilipinas.
Dagdag ni Padilla, ang access na ibinibigay sa pwersa ng US ay rotational lamang at pangunahing nakatuon sa interoperability, logistics prepositioning, disaster response, at humanitarian assistance.
Kaugnay nito, hinimok naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang publiko na mag-rely lamang sa mga beripikadong impormasyon.
Kung saan ang usapin sa seguridad ay nangangailangan ng kalmadong assessment at hindi espekulasyon.
Nananatili namang naka-focus ang AFP sa mandato nitong depensahan ang soberanya ng bansa, tiyakin ang integridad ng teritoryo at protektahan ang sambayanan.










