Thursday, March 5, 2026

AFP, suportado ang nagpapatuloy na pagpapalakas ng seguridad kasunod ng mga ulat ng espionage network sa bansa

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagpapatuloy na efforts para sa pagpapalakas ng seguridad kasunod ng mga ulat ng pang-eespiya o espionage network sa bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, batid ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang nasabing operasyon ng espionage network.

Kung saan nadiskubre ng mga awtoridad ang mga aktibidad na kinasasangkutan ng mga Pilipino na konektado sa China.

Ito ay sa pamamagitan rin ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang security at law enforcement ng pamahalaan.

Nabatid na una nang kinumpirma ng National Security Council (NSC) ang seryosong banta na ito sa bansa.

Kaugnay nito, hindi naman nagbigay ng anumang detalye sa operasyon ang AFP.

Facebook Comments