MANILA – Kinakapos na sa wheelchair ang ilang airline dahil sa dami ng pasahero sa NAIA 3.Bunga nito, naghihintay muna ang mga nakatatandang pasahero na maisakay muna ng eroplano ang mga pasaherong may mas maagang flight bago sila maisakay sa wheelchair.Ngayong holy week season,ina-asahan ng Manila International Airport pagdagsa ng isang milyong pasahero para sa departure at arrivals sa NAIA Terminals.Muli namang pinapayuhan ng MIAA ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa airport at hangga’t maaari ay nasa paliparan na sila tatlong oras bago ang kanilang flight.Umapela rin ang MIAA na limitahan ang pagsama ng maraming maghahatid sa pasahero at iwasang magdala ng mga ipinagbabawal sa eroplano para hindi sila maabala sa proseso ng screening checkpoints.
Airlines, Kinakapos Na Sa Wheelchair Sa Dami Ng Pasahero Sa Naia 3
Facebook Comments