Kalibo, Aklan – Muling pinag usapan ng Aklan Inter Agency Task Force, Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP, Air Asia, Cebu Pacific at Philippine Airlines ang ipapatupad na protocols para sa mga mag uuwiang Aklanon Returning Overseas Filipino ROFat locally stranded individual o LSI’s.
Ayon kay Dr. Leslie Ann Luces ng IATF Aklan sa ngayon aniya ang pinapahintulutan lamang ng provincial government dito ay ang pagbabalik probinsiya ng mga ROF. Ang kailangan lamang umanong gawin ng mga airline companies ay hanapan ang mga ito ng kumpletong dokumento kagaya ng negative reverse transcription – polymerase chain reaction RT-PCR result at quarantine certification mula sa Department of Health DOH- Bureau of Quarantine bago payagang makapasok sa departure area.
Samantala ayon pa kay Dr Luces suspendido pa rin hanggang ngayon ang pagpapauwi ng mga LSI’s sa Western Visayas habang hindi pa binabawi ng Department of Interior and Local Government DILG-regional office 6 ang ipinalabas na pansamatalang suspensiyon sa kanila noong June 28, 2020.
AKLAN IATF NAKIPAGMEETING SA CAAP AT MGA AIRLINE COMPANIES, PROTOCOLS PARA SA MAG UUWIANG ROF AT LSI’S MULING PINAG USAPAN
Facebook Comments