Kalibo, Aklan – Makakatanggap ng 40,000 doses ng Sinovac vaccines ang lalawigan ng Aklan. Ito ay kinunpirma ni Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer I ng Provincial Health Office Aklan. Wala pang inihayag si Dr. Cuachon, kung anong araw darating sa lalawigan ang nasabing mga bakuna. Ito aniya ay hiningi ni Aklan Governor Florencio Joben Miraflores kay vaccine czar secretary Carlito Galvez. Ang mga bakuna aniyang darating sa Aklan ayon kay Dr. Cuachon ay kaparti nang 600,000 doses ng CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac na dumating sa Pilipinas noong Linggo. Ibabakuna umano ito sa mga tourism employees ng Aklan para maprotektahan ang mga ito sa corona virus disease, sapagkat araw-araw, napakarami aniyang mga local tourists papuntang Boracay ang kanilang nakakasalamuha.
AKLAN MAKAKATANGAP NG 40,000 DOSES NG SINOVAC MULA SA DONASYON NG CHINA
Facebook Comments