Aklan PNP nakalikom ng P 1.3 million para matulungan ang mga apektado ng COVID19

Kalibo, Aklan— Umabot ng P 1 , 322 , 600 ang nalikom na pera mula sa boluntaryong kontribusyon ng mga myembro ng Philippine National Police sa lalawigan bilang bahagi ng Team Bayanihan Fund Challenge for COVID 19 pandemic.
Inihayag ni PCol Esmeraldo Osia Jr. Provincial Director na kailangang magtulungan ngayong krisis at layunin nilang mailigtas ang publiko mula sa gutom at piligrong hatid ng COVID 19.
“Sana’y makatulong ang SARILING ALAY ng PULIS Aklan, hangad po namin na makapaglingkod upang tayong lahat ay maging ligtas laban sa gutom at krisis bunsod ng pandemyang COVID19” Pahayag pa ni PCol Osia.
Dagdag pa nito na nag ambag ambag ang mga personnel at officers ng pera mula sa kanilang sweldo kung saan ay bukas loob na nagbahagi ng P1,000 hanggang kalahating buwan ng kanilang mga sweldo ang mga ito.
Layunin ng naturang Challenge na makalikom ng halaga ang buong Pwersa ng PNP sa bansa para sa mga hindi nakatanggap ng Subsidy mula sa Social Amelioration Program.
Dagdag pa ng mga kapulisan sa Aklan na sa madaling panahon lamang ay umabot sa mahigit isang milyon ang kanilang nalikom dahil layunin ng mga ito na matulungan ang lubos na nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Facebook Comments