Iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kailangan pa ring bantayan ang aktibidad ng Bulkang Taal.
Ito ay kahit ibinaba na sa alert level 3 ang bulkan.
Ayon kay DOST-PHIVOLCS Director, Undersecretary Renato Solidum – patuloy ang monitoring sa posibleng pagbuga ng abo at steam ng Taal Volcano gayundin ang galaw ng magma.
Kailangan din aniya ng dalawang linggong monitoring para malaman kung ibababa muli ang alert level nito.
Facebook Comments