Ito ay makaraang madagdagan ng tatlumpu (30) ang bagong tinamaan ng virus.
Kabilang ang labing-anim (16) na kaso mula sa Tuguegarao City; tatlo sa mga ito ay dalawang beses nang nagpositibo sa nasabing sakit.
Mayroon ding apat na panibagong kaso sa Baggao; tatlo sa Lasam; dalawa sa Camalaniugan; at tig-isa sa mga bayan ng Alcala (re-exposed), Gattaran, at Solana.
Naitala naman ang dalawampu’t isa (21) na local transmission habang siyam (9) ay community transmitted.
Samantala, mas mataas naman ang naitalang gumaling sa virus kahapon, July 31, 2022 na pumalo sa 38, ngunit isa ang namatay mula sa bayan ng Baggao.
Sa ngayon, 353 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Cagayan habang bahagyang bumaba naman sa 24 ang mga lugar na may binabantayang kaso ng virus.