Dating Tulak ng Ilegal na Droga sa Cagayan, Muling Nasakote ng PNP

22
Cauayan City, Isabela- Muling naaresto ang isang dating tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Solana, Cagayan kamakalawa, July 30, 2022.

Sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Noroden Dongon, 38-anyos at residente ng Brgy Centro, North West, Solana, Cagayan.

Batay sa ulat ng PNP Solana, dakong alas 12:25 ng tanghali noong July 30, 2022 nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Solana Police Station sa pamumuno ni PMAJ Darwin Urani at Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO na nagresulta sa pagkakaaresto ni Dongon matapos itong kumagat sa poseur buyer ng PNP.

Maliban sa nakuhang isang pakete ng shabu at isang libong piso (P1,000) na ginamit sa transaksyon ay nakumpiskahan pa ito ng pitong piraso ng pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang Standard Drug Price na 15,000 pesos.

Nahaharap si Dongon sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang suspek.

Batay sa rekord ng pulisya, si Dongon ay dati ng sinampahan ng parehong kaso noong 2018.

Facebook Comments