Aktual na pagbabakuna sa mga baboy, hindi muna tuloy -DA

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture o DA na hindi muna matutuloy ang aktual na pagbabakuna sa mga baboy sa Batangas kahit na dumating na ang mga bakuna sa bansa.

Ayon kay DA Spokesman Asec. Arnel de Mesa, orientation at pagkuha muna ng blood samples ang mangyayari bukas dahil sa matatagalan ang pagkuha ng resulta sa blood testing ng 20 hanggang 48 oras para malaman kung positibo ang mga baboy sa ASF o hindi, wala munang mangyayari na aktual na vaccination o pagbabakuna.

Paliwanag ni De Mesa, mahalaga aniya na matiyak na walang ASF ang mga mababakunahan na baboy upang makita ang efficacy ng bakuna.


Iaanunsyo na lang umano ng DA kung kailan isasagawa ang aktuwal na pagbabakuna sa mga baboy.

Aniya sa kasalukuyan, nasa bansa na ang sampung libong dosage nang bakuna kontra ASF.

Facebook Comments