Akusasyon laban sa BFP Cabatuan Isabela, Pinabulaanan!

Cabatuan, Isabela – Pinabulaanan ng Municipal Fire Marshall ang mga lumabas
na akusasyon laban sa pamunuan nito dahil sa naganap na pinakamalaking
sunog kamakailan sa bayan ng Cabatuan, Isabela.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Senior Inspector Bernard C. Gawongna,
Municipal Fire Marshall ng Cabatuan, aniya maikokonsiderang isang mortal
sin sa BFP na binabantayang walang laman o kaunti ang tubig ng tatlong
fire trucks.

Sinasabi na kulang at walang lamang tubig ang bumbero ng Cabatuan kung
kayat di agad naagapan o naapula ang sunog noon sa public market at mula pa
sa ibang bayan ang mga bumbero na nakapagpatigil ng apoy.


Hindi umano basehan na sabihin ng karamihan na maraming fire trucks ang
tumulong upang mapatigil ang malaking apoy, kundi isang responsibilidad
umano ng bawat BFP station na tumulong sa kanilang mga karatig bayan sa
oras na may sunog.

Ipinaliwanag pa ni Fire Marshall Gawongna na batay sa kanilang isinagawang
imbestigasyon sa naganap na sunog ay dahil umano sa maraming tolda,karton
at mga stayro sa palengke kung kayat mabilis ang pagkalat ng apoy at
tinitingnan pa rin ang umanoy sa nakasinding kandila ang pinagmulan ng
sunog.

Isa pa umanong dahilan ay ang kawalan ng fire extinguisher sa mga may-ari
ng pangkalakal sa pamilihan at kawalan ng kaalaman sa paggamit nito.

Dahil dito isang rekomendasyon ang hiniling ng mga Sangguniang Bayan
members sa ginanap na sesyon kamakailan na magsagawa ng isang seminar o
oryentasyon ang BFP para sa lahat ng stall owners kaugnay sa mga dapat
gawin sa panahon ng sunog.

Sinang-ayunan nman ito ni Gawongna dahil sa nakahanay naman na umano ang
ganitong aktibidad ng BFP kaugnay sa selebrasyon ng Fire Prevention Month
ngayong buwan.

Matatandaan na mahigi’t kumulang sa 10 million ang halagang nawala sa
pagkakasunog ng pamilihang bayan ng Cabatuan kamakailan.

 

Facebook Comments