
Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan ang aleson shipping lines kaugnay sa paglubog ng pag-aari nitong MV Trisha Kerstin 3 kung saan mahigit 50 ang nasawi.
Sa pagdinig ng house committee on transportation ukol sa nasabing trahedya ay sinabi ni Ismula na posibleng nilabag ng Aleson Shipping Lines ang amended public service act.
Ayon kay Ismula, may kriminal na pananagutan ang Aleson Shipping Lines dahil sa kabiguan ng bargo nito na makasunod sa safety standards.
Diin ni ismula, ang nangyari ay hindi aksidente kundi malinaw na kapabayaan na nauwi sa trahedya.
Bilang tugon ay nangako naman ang kinatawan ng DOJ na tutulungan nila ang mga biktima na nais magsagawa ng legal na hakbang laban sa Aleson Shipping Lines.










