Alex Eala, tumaas ang ranking sa World Tennis Association

66

Umangat pa sa rankings ang Pinay tennis player na si Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) World Rankings.

Ito ay matapos ang kaniyang kampanya sa W60 Vitoria-Gasteiz Women’s Singles kung saan mula sa no. 317 ay nasa pang 282 na siya ngayon batay sa pinakahuling rankings.

Nakuha ni Eala ang kaniyang ikalawang professional trophy nang magwagi sa W25 Chiang Rai sa Thailand nang talunin si Luksika Kumkhum sa dalawang straight sets noong buwan ng Abril.


Maganda rin ang ipinamalas ni Eala sa nagdaang 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam nang makapag-uwi ito ng tatlong bronze medals.

Noong nakaraang buwan din ay nakuha ng 17 years old na si Eala ang ika-340 na rankings para sa Southeast Asian Women’s tennis player.

Samantala, sa isang social media post ni Eala, sinabi niyang masaya siya sa naabot na pinaka-mataas na ranggo sa kasalukuyan.



Facebook Comments