Alternative Learning System at Last Mile School program ng DepEd, inaasahang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon – DepEd Sec. Briones

Umaasa si Education Secretary Leonor Briones na ipagpapatuloy ng susunod na mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang mga programa nito para sa out-of-school youths at sa mga nasa liblib na lugar.

Ayon kay Briones, inaasahan niyang isusulong pa rin ng susunod na administrasyon ng DepEd ang Alternative Learning System (ALS) at Last Mile Schools programs.

Sa ilalim kasi ng ALS, na isang “parallel learning system,” nabibigyan ng mga pagkakataon na makatapos ng basic education ang mga out-of-school youths at adults.


Samantala, ang Last Mile Schools ay tumutukoy sa mga institusyong pang-edukasyon na itinayo sa malalayong lugar.

Ang dalawang naturang programa ang magiging “legacy ng programs” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments