LALAKI, PINAGBABARIL NG RIDING IN TANDEM SA LABAS NG SABUNGAN SA CALASIAO

77
Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa labas ng sabungan sa Brgy. San Miguel, Calasiao.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Leopoldo Ragutana residente ng Brgy. Pugaro Dagupan City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa sabungan ang biktima kasama ang kaniyang kaibigan.

Habang palabas na ang mga ito sa compound ng sabungan dito na pinagbabaril ang biktima at kinuha ang pera mula sa kaniyang bulsa.
Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kaniyang dibdib at pisngi na dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.
Nagsagawa na ng dragnet operation at Oplan Sita para sa posibleng pagkaka aresto ng mga suspek. | ifmnews
Facebook Comments