
Bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan, kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa muling pagbangon ng mga komunidad at pagpapatatag ng bansa sa gitna ng krisis.
Sa inilabas na mensahe ng bise presidente, sinabi niya na napatunayan ng Pilipina ang angking lakas sa iba’t ibang hamon mula sa inang nagsisikap para sa pamilya, mga magsasakang bumabangon matapos ang sakuna, hanggang sa mga kababaihang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa pangalawang pangulo, ang pagpapalakas sa kababaihan ay mahalagang hakbang para sa mas inklusibong pag-unlad ng Pilipinas.
Iginiit din niya na panahon na para magkaroon ng mga sistemeng tunay na sususporta sa mga kababaihan gaya ng proteksyob sa informal sector, tulong sa mga farmers laban sa epekto ng climate change, at mas madaling accesa sa pondo para sa mga negosyanteng babae.










