AMERICAN-SINGER, MAGBIBIGAY SAYAAT MANGHAHARANA SA ISANG UNIBERSIDAD SA PANGASINAN, ALAMIN

Inaabangan nga ng ating mga idolo sa Pangasinan ang pagbisita ng isang sikat na International hitmaker and American-singer na si David Pomeranz sa kanyang nalalapit na 40th Anniversary Concert Tour na gaganapin sa Panpacific University Event Center sa Urdaneta City, Pangasinan sa December 5 ngayong taong 2023.
Inanunsyo ng nasabing unibersidad ang concert na ito sa pamamagitan ng pag-upload ng poster ni David, kabilang na rin ang pag aanunsiyo na available na rin ang tickets sa pangunguna iyan ng Carl Balita Production at sa mga kasamahan nito. Kaya naman excited at tuwang-tuwa rin ang ilan sa mga idols natin lalo na ang mga fans ni David dito sa Pangasinan.
Para sa kaalaman ng lahat, si David Pomeranz ay isang American-singer na kumanta ng ilan sa mga old love songs at naging OST rin ng mga iba’t – ibang movie at teleserye sa ating bansa kagaya na lamang ng “Got to Believe”, ang kanta niyang “On This Day” na sikat at lagi niyong kinakanta sa karaoke, isa rin ang “Born For You” na kinakanta ninyo sa inyong mga minamahal at marami pang iba. Tila magiging magical nga ang kaabang-abang na concert na ito mga idol! |ifmnews

Facebook Comments