Amnestiya ni Senador Antonio Trillanes, Isang Pribilehiyo Lamang na Maaring Bawiin-Ayon kay Atty. Arreola!

Cauayan City, Isabela – Isang pribilehiyo lamang ang amnestiya ni Senador Antonio Trillanes na maaring bawiin anumang oras dahil sa hindi karapatan ang mabigyan ng amnestiya.

Ito ang naging reaksyon ni Atty. Randy Arreola, Board Member ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Isabela sa panayam ng RMN Cauayan, kaugnay sa naging pahayag ng kampo ni Senador Trillanes na umano’y walang karapatan ang pangulong Duterte na kanselahin ang amnesty ni Trillanes.

Aniya, maaring bawiin ang amnesty kung may mga pagkukulang sa mga nangyari bago naideklara ang amnestiya o mayroong hindi nasunod sa mga dapat gawin tulad ng hindi pag-amin ng pagkakasala.


Ipinaliwanag pa ng abogado na ang amnesty ay ipinuproklama ito ng pangulong nakaupo ngunit ang partikular umano na nagbigay ng amnestiya ay mula sa tanggapan ng pangulo at hindi alintana kung sino ang nakaupong presidente.

Matatandaan na ang amnestiya ni Senador Trillanes ay ipinagkaloob ni dating pangulo Benigno Aquino.

Samantala ang amnestiya umano ay magiging void o walang bisa sa simula pa lamang kapag hindi umamin ng pagkakasala ang isang tao na nabigyan ng amnesty.

Facebook Comments