Malinao, Aklan – Nagtamo ng tama ng baril sa kanang paa ang isang 22-anyos na lalaki matapos mabaril ng sariling ama kagabi sa Brgy. Tambuan, Malinao, Aklan. Base sa report na magkasamang nag-inuman ang dalawa sa kanilang bahay at nong huli ay nagtalo sa hindi malamang dahilan at nauwi sa pamamaril. Matapos ang insidente ay dinala sa ospital ang biktima habang agad namang inaresto ang ama at nasa kustodiya na ito ng Malinao PNP para sa karampatang disposisyon. Narekober ng mga otoridad ang calibre 38 na baril na ginamit ng suspek. Hindi na rin pinangalanan ang mag-ama dahil sa pakiusap ng pamilya nito.
Facebook Comments