Isasailalim sa counseling ang anak ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca matapos na masaksihan ang brutal na pamamaril ng kanyang ama sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
Sa isang panayam, sinabi ni Paniqui Municipal Police Station Chief Police Lt. Col. Noriel Rombaoa na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa usapin.
Maging ang mga bata sa kampo ng mga biktima ay sasailalim din sa counseling.
Facebook Comments