Thursday, November 26, 2026

DSWD, naghatid ng psychosocial support sa 2 batang biktima ng pananaksak sa Caloocan City

COURTESY: DSWD

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa dalawang menor-de-edad na biktima ng pananaksak sa isang paaralan sa Caloocan City nitong Miyerkules, Nobyembre 25.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd), nagbigay ang ahensiya ng Psychological First Aid (PFA) sa mga biktima, kanilang mga pamilya at mga guro upang matulungan sila sa trauma na dulot ng insidente.

Nagkaloob din ang DSWD ng tig-₱10,000 cash assistance sa dalawang biktima upang makatulong sa kanilang mga gastusin habang nagpapagaling.

Samantala, nasa kustodiya na ng Caloocan City Social Welfare and Development Office ang menor-de-edad na umano’y nanaksak upang sumailalim sa kaukulang assessment at intervention.

Facebook Comments