Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, dalawang linggo na ang nakalipas nang magpositibo siya sa COVID-19.

Sinabi ni Defensor na asymptomatic naman siya.


Aniya, nakakarecover na siya ngayon nakatakdang sumailalim muli sa RT-PCR testing bukas upang matiyak na negative na siya at makakabalik na ulit sa trabaho.

Bukod sa kanya, aabot sa pitong kasamahan niya sa bahay, kabilang ang kanyang son-in-law ang nagpositibo sa COVID-19.

Sila ay nag-quarantine, uminom ng gamot at vitamins at nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang sitwasyon.

Sa ngayon, nasa maayos na siyang kalagayan at nakapag-pahinga.

Facebook Comments