Angad Bridge sa Aglipay, Quirino, Tatapusin Ngayong 2020

Cauayan City, Isabela- Inanunsiyo ni DPWH Secretary Mark A. Villar na bago matapos ang taong 2020 ay matatapos na ang ginagawang widening ng Angad Bridge sa bayan ng Aglipay, Quirino.

Ito’y sa kabila ng mga nagdaang bagyo sa Lalawigan, tiniyak ng Kalihim na matatapos ngayong December pagpapalawak sa nasabing tulay na layong makapaghatid ng mas maayos na serbisyo sa mga mamamayan.

Ang pagpapalawak ng 215-meter Angad Bridge along Cordon-Aurora Boundary Road (Isabela Boundary-Junction Dumabato) ay nagkakahalaga ng P19.44 milyon na napondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2020.


Facebook Comments