Angel Locsin, bumuwelta sa basher nito

137

Manila, Philippines – Pumalag ngayon ang aktres na si Angel Locsin sa pasaring ng isang netizen na piilit inuungkat ang dating kontrobersiya nila nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Nabatid na nagpatutsada ang netizen na may handle name na @annecurtis_4_fhm200, na hindi pa raw naka-move on si Angel sa hiwalayan nila ni Luis.

Nanindigan naman si angel na halatang may ibang “agenda” ang netizen na ginamit pa ang pangalan ng newlywed na si Anne Curtis.

Sinagot niya ito na mag-move na kung saan humirit pa ulit ang netizen pero hindi na ito pinatulan ng aktres.

Nabatid na naungkat ang isyung hiwalayang Luis at Angel dahil pareho silang imbitado sa kasal ng common friend nilang si Anne Curtis, na ginanap sa New Zealand.

Kasama ni Luis ang nobya niyang si Jessy, habang si Angel ay kasama rin ang pinaniniwalaang nobyo niyang si Neil.

Facebook Comments