Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

17

Tondo, Maynila – Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin sa Tondo, Maniyla.

Kinilala ang bikitima na si Rence Tebor na naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center pero hindi na umabot pa ng buhay.

Dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima na nagawa pang maimaneho ang sasakyan hanggang sa terminal sa Yuseco Street.

Napag-alaman na ang biktima ay kapatid ng isang lalaki na una nang napatay sa operasyon matapos na manlaban sa mga pulis noong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments