Manila, Philippines – Inanunsyo ng dating motorcycle hailing application na ‘Angkas’ na magiging isa na silang parcel delivery service.
Ito’y matapos ipatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang operasyon na magsakay ng pasahero.
Sa kanilang post sa social media, tatawagin na silang ‘Angkas Padala’ kung saan isa na silang roadside delivery service.
Ang mga magpapadala at padadalhan ay kinakailangang makipagkita sa biker na siyang maghahatid ng package.
Sa ilalim ng serbisyo, 50 pesos ang base fare sa Metro Manila habang 20 pesos sa Cebu mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Facebook Comments