Anim na Tulay, Hindi Madaanan sa Isabela

Ilagan City, Isabela – Anim na mga tulay sa lalawigan ng Isabela ang hindi na muna madaanan sanhi ng pag angat ng tubig sa mga ilog.

Ang mga nasabing tulay na pawang mga overflow bridges ay Alicaocao Bridge ng Cauayan City, Gucab-Annafunan Bridge sa Echague, Sta Maria Bridge, Sto Tomas Bridge, Pigalo Bridge sa Angadanan at ang tulay sa Baculud-Bintacan-Cabisera 8 sa Ilagan.

Ito ang paabiso na ipinaabot ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council(PDRRMC) ngayong 7:00ng umaga, Disyembre 20, 2017.


Ang mga tulay na ito ay mga daanan paloob sa mga sa mga naturang siyudad at munisipyo at hindi naman ito sa hanay ng Daang Maharlika na siyang pangunahing kalsada sa Isabela.

Napag-alaman din sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng RMN News Cauayan kay Isabela Information Officer Jessie James Geronimo na kasalukuyang binabanatayan ang level ng Magat Dam sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa kasalukuyan ay may 188.69 metro ang lebel ng Magat Dam na ang inflow ay 793 cubic meter per second (cms) at ang outflow ay mababa sa 34 cms.

Sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, ang lalawigan ay patuloy na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot sanhi ng Tail-end ng Cold Front na siyang nagdudulot ng maulang panahon sa Hilagang Luzon.

Facebook Comments