Kaugnay nito, nauna nang naghain ng isang resolusyon sa konseho ng City of Ilagan na naghihikayat sa management ng ISELCO II na gawin sa iisang venue lamang ang AGMA partikular sa lungsod ng Ilagan ngunit ito ay hindi inaprubahan ng kooperatiba.
Kaya’t buong pwersa ang LGU Ilagan sa pamumuno ni Mayor Josemarie “Jay” Diaz katuwang ang mga Konsehal, Department Heads, mga Brgy. Captains, at iba pang empleyado ng LGU Ilagan na tumungo sa bayan ng Quezon upang makiisa sa AGMA upang ilatag ang mga isyu sa kooperatiba na nais nilang mabigyang pansin.
Hindi inaasahan na hindi natuloy ang nasabing Annual General Membership Assembly dahil umano sa walang Quorum na siyang ikinadismaya ng alkalde at sampu ng kanyang mga katuwang.
Ayon pa kay City Councilor Rolando Tugade, isa sa nais nilang ilatag sa pagtitipon ang nauna na niyang ipinatanggal na surcharge at maging ang Capital Share na sinisingil ng ISELCO-II sa mga Member-Consumer Owners (MCOs) ngunit muling ibinalik ng kooperatiba.
Samantala, ang Quorum ay ang minimum na bilang ng miyembro ng isang assembly na kinakailangang maabot upang ipagpatuloy ang business ng assembly.
<www.facebook.com/messenger_media/?thread_id=100002420809880&attachment_id=425807756171728&message_id=mid.%24cAAAABIF_yBiIjaiaUGCXGNAZTyt->