5 MAJOR AWARDS, NASUNGKIT NG ISABELA POLICE PROVINCIAL OFFICE

19
Nasungkit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang limang malalaking parangal kaugnay ng pagtatapos ng 27th Police Community Relations Month Celebration sa Police Regional Office 2 nitong Lunes, August 1, 2022.

Itinanghal si PMaj Junneil Perez, Hepe ng Naguilian Police Station bilang Outstanding Junior PCO; Si PSMS Giesela Ydel bilang Outstanding Senior PNCO mula sa 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC); at Pat. Cristina Valenzuela bilang Outstanding Junior PNCO.

Samantala, tumanggap din sa nabanggit na pagpaparangal ng Unit Award and Ilagan City Police Station at Roxas Police Station.

Layunin ng pagbibigay parangal na bigyang pagkilala ang natatanging tagumpay ng kapulisan mula sa iba’t ibang departamento at istasyon sa buong rehiyon para bigyan sila ng inspirasyon sa paggampan ng kanilang tungkulin at pagbibigay serbisyo publiko.

Facebook Comments