Lahat tayo dumadating sa point ng buhay natin na kailangan natin mamili over love and career. Kadalasan mo itong mararanasan kapag nagsisimula ka nang magtrabaho o kumita ng pera, kapag nabibili mo na yung mga gusto mo. Minsan mo itong mararanasan kapag nanlalamig na inyong dating nag aalab na relasyon at mas nakakapag focus ka nalang sa work, dito na din magseselos ang iyong love ones dahil sa mga pagkukulang mo sa oras gayong nabibigay mo naman ang mga pangangailangang pinansyal nila. Narito ang ilang points na dapat mong isa alang-alang kung nasa point ka ng buhay mo na kailangan mong mamili.
Una, ano nga ba ang PRO’s na dapat mong tandaan kung love over career ang pinag-uusapan.
PRO’s OF CHOOSING LOVE
- Companion
Kailangan mo ng companion sa mga dumadating na problems sa life, kaya nandyaan ang ating lovelife, babyloves at asawa para damayan tayo. Sila ang magsisilbing lakas at sandalan natin sa mga panahong ito.
- True love can withstand all odds
Ang tunay na pag-ibig, hindi basta-basta nanghihina, hindi basta-basta nawawasak ng simpleng problema dahil sabi nga nila, “True love never dies, it only get stronger with time”. So gaano man kabigat ang problema, maging sa career man ito o sa life, maghiwalay man o mag cool-off, magkakabalikan pa rin kayo dahil totoo ang inyong pag-ibig, gaya ng isang komersyal ng gatas na sa huli, gaano man kabigat ang problema na humantong sa hiwalayan ay naging happy ending pa din ang lahat.
- True love can give more happiness than money ever can
Higit sa lahat, iba ang nabibigay na happiness ng “true love” over material things, dahil ang mga bagay ay nasisira at nawawala pero ang mga happy memories ay hindi, ang kilig, ang love na naramdaman mo kasama ang taong mahal mo will last a lifetime.
CON’s OF CHOOSING LOVE
- True love is hard to find
Sa panahon natin ngayon, mahirap nang makahanap ng “The One” o true love, dahil dito maaring mapunta tayo sa maling tao, sa maling desisyon natin sa buhay. O baka wala talagang naitadhana para sa iyo, kung ganito ang iyong sitwasyon, maaring sa career mo na lamang ibuhos ang iyong pagmamahal, maari ring sa ibang tao kagaya ng iyong pamilya at kamag-anak, pag aralin mo sila at tulungan sa mga bills.
2.Feelings of love can fade through time
Ang sparks sa relationship, hindi nag-lalast forever, tayo dapat mismo ang gumagawa ng paraan para mag alab muli ang mga nanghihinang apoy ng pag-ibig.
- Opportunities can be set aside
Kung mas pinili natin ang love over career, maari nating ma-turn down ang mga opportunities na dumarating sa life, dahil mas gusto nating mas isave ang ating mga relasyon. Maaring kasing maubusan ng oras ang ating love life dahil sa ating career, the tendencies are, mas pipiliin natin ang pagmamahal pero may napapalampas tayong mga bagay na maari nating ikaunlad financially and as a person.
Ngayon naman narito ang pros and cons, kung career naman ang pipiliin mo:
PRO’s OF CHOOSING CAREER
- A better career can give a better life
Lahat ng paghihirap mo sa trabaho ay may patutunguhan, basta masipag ka mag-impok at matalino kang gumamit ng pera ay siguaradong magiging masarap ang buhay mo in the near future. Mas madali ang buhay kung walang iniisip na mga utang at mga bayarin kung stable tayo sa trabaho at life. Mas makakatulong ka sa pamilya mo,stable career means stable life. At kung may love life ka, madali mong mabigay ang lahat ng pangangailangan niya.
- More me-time in the future
Ito na ang katas ng iyong paghihirap, mas magkakaroon ka ng time para i-improve ang iyong sarili. Secure na ang future mo. Makakapag travel ka na, mabibili mo na ang mga gusto mong bagay at higit sa lahat, wala nang hahadlang sa iyo ng mga nais gawin sa life.
CON’s OF CHOOSING CAREER
- Ambitious/selfish
“Makatikim lang kaunting sarap, naging madamot na” ito ang isang linya na maari mong marinig kapag masyado tayong nagpakasasa sa mga perks na naibibigay sa atin ng ating mga pinagpapaguran o trabaho. Kailangan ay matuto nating ibalance ang ating pagpapaksaya o pag eenjoy at pagtulong sa pamilya. Tayong mga Pilipino, mahalaga ang konsepto ng pamilya at utang na loob, sila ang nagpalaki, gumabay, at nagpa aral sa atin, isa sila sa dahilan kung nasaan man tayo ngayom, kaya marapat lamang na tulungan din natin sila at ibalik ang utang na loob upang magkaroon tayo ng harmonious na relasyon sa loob ng pamilya.
- Time Deficiency
Madalas na dahil sa ating mga trabaho ay nauubusan tayo ng oras para sa ating mga mahal sa buhay maging sa ating mga sarili. Kapag dumating sa oras na mayroon nang nagseselos dahil sa ating trabaho kagaya ng ating mga pamilya at mahal sa buhay ay kailangan na nating i-adjust ang ating sarili at mas bigyan sila ng pansin. .
- Alienation
Ang alienation ay isang sociological term na ginamit ni Marx upang tukuyin ang behavior ng mga manggagawa noong panahon ng industrial revolution, kung saan ang mga trabahador ay tila nakakalimutan na ang kanilang sarili, ang mundong kanilang ginagalawan at mas nakatutok nalang sa kanilang mga trabaho, sa pagpapaunlad ng kanilang mga produkto at nakakalimutan na ang mga aspeto ng pagpapakatao. Ang epektong ito ay hindi malayong makita sa mga sobrang career i-oriented na tao na walang inatupag kundi ang trabaho, mahalaga ang social life, kailangan nating makisalamuha sa ating kapwa, kaibigan at pamilya upang mas maging produktibo at maging ganap bilang tao.
At dahil alam mo na ang PRO’s at CON’s, nasa iyo na ang desisyon kung ano ang iyong pipiliin.
Article written by Kristian Cartilla