Apat katao timbog dahil sa droga

Timbog ang isang 47 anyos na ginang sa isinagawang drug buy bust operation ng PP3 ni PSI Leonardo Enggay kasama ang PP2,city drug enforcement unit at PDEA-ARMM noong sabado pasado dakong 10:55 ng umaga sa kanto ng sinsuat avenue at Gov.Gutierez avenue cotabato city. Kinilala ang suspect sa pangalang Annaliza Pananggulon,isang housekeeper at resident eng mabini street baraay Bagua tres.Nakuha sa kanyang posisyon ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso. At isang 500 pesos na marked money. Ayon pa kay PSI Enggay, ang suspect ay dati umanong drug sureenderies dahil sa pagkasangkot nito sa bentahan ng droga…Hindi pala nagbago ang ginang kayat ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkahuli nito.Na ngayon ay nakapiit nasa lock-up cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165. Samantala natimbog din ng PP2 sa pangunguna ni PCI Efren Salazar ang isang lalaki makaraang mahuli sa drug buy bust operation noong sabado ng hapon sa bahagi ng Pascual Rosary Heigths Mother. Kinilala ang suspect nasi Basir Sanday Ali na resident eng tamontaka cotabato city.Nakuha sa kanyang posisyon ang dalawang maliit na sachet na worth 500 pesos. Arestado rin ng mga barangay officials ng RH-10 sa pangunguna ni Kap.Kombol Mamalangkay ang dalawang binata na nahuling nagpo-pt session sa san isidro street noong sabado ng gabi…Kinilala ang mga suspect na sina Robert rafols at Nathaniel buenaflor,na nakuha sa kanilang posisyon ang glass toter aluminum foil at lighter…Silay kaagad namang tinurn-over sa PP2.

Facebook Comments