Abu Sayyaf sub-leader at 10 tauhan nito, sumuko sa militar

164
COURTESY: Armed Forces of the Philippines

Sumuko si Abu Sayyaf Sub-Leader Abdullah Indanan, alyas Guro at sampu nitong miyembro sa militar sa Hadji Mohammad Ajul, Basilan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., sumuko ang grupo ni Indanan kay Joint Task Force Basilan Commander Brigadier General Domingo Gobway sa Barangay Serongon.

Ang grupo ni Indanan ay nagsasagawa ng operasyon sa Lamitan-Tuburan-Mohammad Adjul complex.


Isinuko rin nila ang 11 high-powered firearms sa mga sundalo

Matatandaan na ang pagsuko ng grupo ni Indanan ay matapos mapatay sa operasyon ng militar si Abu Sayyaf Sub-Leader Radzmil Jannatul, alyas Khubayb sa Sumisip, Basilan.

Pinuri naman ni AFP Chief-of-Staff General Andres Centino ang militar sa pinaigting na security operations sa Basilan at buong Western Mindanao.



Facebook Comments