Arestado ang apat na Most Wanted Persons (MWP) sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya noong March 12, 2026 sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Unang naaresto bandang alas-12:00 ng tanghali sa San Carlos City ang Top 6 Most Wanted Person sa municipal level, isang 24 anyos na lalaki mula sa Urbiztondo, sa operasyon ng Urbiztondo Municipal Police Station (MPS). Nahaharap siya sa kasong Homicide na may inirekomendang piyansang ₱120,000.
Nadakip din ng parehong yunit sa Urbiztondo ang Top 5 Most Wanted Person, isang 22 anyos na lalaki, dahil din sa kasong Homicide na may kaparehong piyansang ₱120,000.
Samantala, bandang 1:05 ng hapon, inaresto ng San Fabian MPS ang Top 9 Most Wanted Person, isang 57 anyos na tricycle driver, dahil sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Bandang 2:30 ng hapon naman nang arestuhin ng Sta. Barbara MPS, katuwang ang San Jacinto MPS, ang Top 4 Most Wanted Person, isang 47 anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Statutory Rape, tatlong bilang ng Sexual Assault, at Acts of Lasciviousness.
Ang lahat ng mga naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at proseso ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







