Libacao, Aklan— Nagbalik loob sa gobyerno ang apat na myembro ng New Peoples Army na pawang mga residente ng bayan ng Libacao. Malugod na tinanggap ng LGU Libacao, Aklan Police Provincial Office at 12 Infantry Batallion ang apat na surrenderee sa isang programang isinagawa kaninang umaga sa nasabing bayan. Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay LTCOL. Joseph Jason Estrada commanding officer ng 12 IB na sumuko ang mga ito sa LGU noong nakaraang linggo dahil hindi umano tinupad ng NPA ang mga pangako sa kanila na makakatanggap ng P500 sahod kada buwan at iba’t iba pang benipisyo na matatanggap naman ng kanilang pamilya. Dagdag pa nito na edad 18 anyos hanggang 20 anyos ang mga sumukong lalaki kung saan ilan sa mga ito ay sumama lamang sa kilusan sa loob ng tatlong buwan, tatlong buwan at may anim na buwan. Nagdisisyon umano ang mga ito na tumiwalag nalang sa grupo dahil hindi nila makayanan ang hirap sa bundok dahil walang laman ang kanilang sikmura habang naglalakad sa kadiliman ng gabi. Kahit walang bitbit na armas ang mga sumuko ay makakatanggap parin umano ang mga ito ng financial assistance at karagdagan pang tulong. Sa kabilang dako, ayon naman kay Libacao Mayor Charito Navarosa maliban sa tulong sa ilalim ng ECLIP program, magbibigay rin ng assistance ang LGU sa mga ito na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa. Sa kabilang dako ipinasiguro naman ng AFP at PNP ang kaligtasan ng mga sumuko sa posibilidad na gantihan ng CPP NPA ang mga ito dahil sa kanilang ginawa. Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan at mga mukha ng mga lalaki para narin sa kanilang seguridad. [image: 📸](Ang mga larawan ay mula sa 1st Aklan PMFC Facebook)
Apat na NPA member sa Libacao, Aklan sumuko sa gobyerno
Facebook Comments