Apat na pinoy at dalawang dayuhang tripulante, kinidnap ng mga pirata sa Nigeria

World – Kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa karagatang sakop ng Nigeria ang apat na pinoy at dalawang dayuhang tripulante ng isang cargo vessel.
Ayon sa Ukranian Foreign Ministry, inatake ng mga hinihinalang pirata ang liberian-flagged container ship habang ito ay naglalayag may 50 nautical miles sa timog-kanluran ng Bonny, Nigeria.
Bukod sa ang apat na Pilipinong tripulante, isang Hungarian at Ukraine national ang ngayo’y hawak ng mga armadong suspek.
Sa kasalukuyan, wala pang ransom demand ang mga kidnappers para sa pagpapalaya sa mga hostage.

Facebook Comments